A scene from Katski Flores' "Still Life" (2007)
Emma: Baka mabingi.
James: Ha?
Emma: Ang dami mo kasing sinasabi e. Baka mabingi.
James: Ang dami nga, hindi naman nakikinig.
Emma: Naniniwala ka talaga dun na hindi Siya nakikinig?
James: Hindi, kaya nga mas masakit e. Mas masakit isipin na nakikinig nga Siya pero hinayaan niyang mangyari ang lahat na ito. Nakita mo na ba yung Spoliarium? Naalala ko yung unang painting na parang pakiramdam ko ang lampa ko. Na para akong sinuntok. Gusto kong tumalon, gusto kong sumigaw, gusto kong sumuka, gusto kong magsalita, gusto kong gumawa, gusto ko ang lahat! Naramdaman ko ang lahat! Nagpakita sa’kin ang Diyos no’n, Emma… nagpakita Siya sa’kin. Kaya nga ang sakit e. Ang dami-dami ko pa gustong gawin. Ang dami-dami ko pa hindi nagagawa. O namental ka?
Emma: Sige! Kulitin mo lang nang kulitin. Tapos ako makikinig para sa’yo. Malay mo sinagot ka na pala, hindi ka lang nakikinig kasi nangungulit ka pa rin.